Mga Post

Imahe
       Araw ng mga Puso😍💘💖 Ang Araw ng mga Puso ay isang espesyal na okasyon at pagdiriwang ito sa kapistahan ni San Balentino na ginaganap tuwing Pebrero 14. Dito ipinapahiwatig ng mga magkakasintahan, mga mag-asawa at mga pamilya ang kanilang pag-ibig sa isa't isa at nagpadala ng mga bulaklak, kard, tsokolate at donasyon kadalasan hindi sinasabi ang pangngalan para ma sorpresa ang iyong bibigyan.                  Si San Balentino, ayon sa Katolismo, ang siyang patron ng mga magkakasintahan at karamihan sa mga tao sa buong mundo ay pinagdiriwang ang "Araw ng mga Puso" o Valentines Day upang ipakita ang kanilang pagmamahal at paghanga sa kanilang mga mahal sa romantikong lugar at ang iba naman ay pinipili ang araw na ito upang mag-alok ng kasal sa kanilang minamahal sa buhay at isa rin itong panahon kung saan pwede natin ipakita sa ating mga kaibigan ang pagpapahalaga sa kanila.